Friday, March 8, 2013

Kulturang Popular

Dota_oh! Ang buhay ko

Natutulog ako parati ng alas tres ng umaga, gumigising naman ako nang alas singko ng umga rin. Wala naman akong sanggol na inaalagaan para magpuyat ng ganun. hindi naman ako call center agent para gumising magdamag. Hindi ko naman siya boyfriend na tumatawag sa’kin buong magdamag kaya’t laging puyat.


Maituturing ko siyang kaibigan, laging takbuhan tuwing nakararamdam ng kalungkutan at pag-iisa. Daig pa niya ang matamis na tsokolate at cake kung makatanggal stress. Humarap lang ako sa kanya, tiyak buong magdamag na’kong ngingiti, hahalakhak, sisigaw, maiinis at minsan patalun-talun pa. Iba talaga ang dating sa akin ni DOTA, sobrang nakaka-adik siya.Para siyang isang concert ng idolo ko, hindi puweding palampasin, hindi puweding daanan.

Kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita o nilalaro. Para siyang gamot na hinahanap-hanap ko kapag ako’y nagkakasakit. Hindi ako buo, kapag wala ang buhay ko, ang DOTA.
Sa gabi, siya ang aking kasa-kasama, sa paggising siya parin ang hinahanap ng parehong mga daliri at mga mata.

Huh! kapag siya’y nagin alkansya? Tiyak, marami na’kong pera. Kahit ano pa siya, basta tanging sa kanya lang ako maligaya. Sa kanya lang ako tumatapang para harapin lahat ng mga kalaban. Nagiging astig ako kapag naglalaro ako ng dota.
Adik man ako para sa paningin ng iba, pilitin man akong ilayo sa kanya hindi parin ako titigil na laruin siya, dahil kapag ginawa ko ‘yun, mamamatay ako dahil siya ang buhay ko.

No comments:

Post a Comment