COMPUTER: TATAK NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MAKABAGONG MUNDO
Marso 9, 2013
Ipinanganak ako sa makabagong henerasyon kung saan ang makabagong teknolohiya ay umuusbong.
Halos lahat na siguro ng tao sa mundo ay kilala ang isang bagay na isa sa pinakatatak ng makabagong teknolohiya sa makabagong mundo, ang COMPUTER.
Sinasabing ang computer na ang pinakainaasahang bagay pagdating sa pagpapadali ng trabaho.Ito ay isang electronic device na ginawa para mapabilis ang mga gawain ng tao tulad ng pagbibilang, kompyuting at marami pa. Ito ay parang tao na tumatanggap, nagproproseso at nagbibigay o naglalabas ng output data sa pamamagitan ng tinatawag na program.
At sa kasalukuyan, ang bagay na ito ay mas marami nang nagagawa na hindi mo aakalaing kayang gawin ng elektronikong bagay na ito.
Ang Computer ay hindi lamang basta gamit ng tao, nagiging parti rin ito ng buhay gaya nalang sa estudyanteng tulad ko.
Bilang estudyante lalo na at namumuhay sa makabagong mundo, itinuturing kong pinakaimportanteng bagay ang computer. Dahil sa Computer na ito, di kona kailangang gawin ang sumusunod:
- gumastos ng papel at ink para magsulat ng mga written works sa school
- magtiis sa nananakit na kamay at mga daliri sa kasusulat ng libo-libong salita lalo na kapag nagkakamali at kailangang ulitin
- gumastos sa pagpapadebelop ng mga litrato para lang masulyapan parati at magkaroon ng remembrance, i save lang sa computer, maari nang tingnan ng paulit-ulit
- magprint ng napakaraming hand-outs tuwing magkakaroon ng quiz at exam, may soft copy lang ok na!
- magtambak ng gabuntong hand-outs at written works para magamit pang muli, magsave lang din ng soft copy solve na ang problema
Ilan lamang 'yan sa daan-daang dahilan kung bakit tinagurian ang computer bilang best body ng mga busy person tulad ko.
Sa kasalukuyan, kapag wala kang Computer, sinasabing dika in sa makabagong mundo. Ika nga ng iba, ito ang tatak ng makabagong teknolohiya sa makabagong mundo.
Subukang magkaroon ng computer, tiyak gagaan ang buhay mo. Magkaroon ka pa ng Internet Connection, magiging buo na ang araw mo makapupunta ka pa saang lugar mo gusto at makakausap mo pa ang mga kaibigan mo nang hindi gumagastos ng load sa cellphone.
No comments:
Post a Comment