Friday, March 8, 2013

KULTURANG POPULAR: COMPUTER TATAK SA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MAKABAGONG MUNDO

COMPUTER: TATAK NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MAKABAGONG MUNDO
Marso 9, 2013

Ipinanganak ako sa makabagong henerasyon kung saan ang makabagong teknolohiya ay umuusbong.

Halos lahat na siguro ng tao sa mundo ay kilala ang isang bagay na isa sa pinakatatak ng makabagong teknolohiya sa makabagong mundo, ang COMPUTER.

Sinasabing ang computer na ang pinakainaasahang bagay pagdating sa pagpapadali ng trabaho.Ito ay isang electronic device na ginawa para mapabilis ang mga gawain ng tao tulad ng pagbibilang, kompyuting at marami pa. Ito ay parang tao na tumatanggap, nagproproseso at nagbibigay o naglalabas ng output data sa pamamagitan ng tinatawag na program. 

At sa kasalukuyan, ang bagay na ito ay mas marami nang nagagawa na hindi mo aakalaing kayang gawin ng elektronikong bagay na ito. 

Ang Computer ay hindi lamang basta gamit ng tao, nagiging parti rin ito ng buhay gaya nalang sa estudyanteng tulad ko.

Bilang estudyante lalo na at namumuhay sa makabagong mundo, itinuturing kong pinakaimportanteng bagay ang computer. Dahil sa Computer na ito, di kona kailangang gawin ang sumusunod:
- gumastos ng papel at ink para magsulat ng mga written works sa school
- magtiis sa nananakit na kamay at mga daliri sa kasusulat ng libo-libong salita lalo na kapag nagkakamali at kailangang ulitin
- gumastos sa pagpapadebelop ng mga litrato para lang masulyapan parati at magkaroon ng remembrance, i save lang sa computer, maari nang tingnan ng paulit-ulit
- magprint ng napakaraming hand-outs tuwing magkakaroon ng quiz at exam, may soft copy lang ok na!
- magtambak ng gabuntong hand-outs at written works para magamit pang muli, magsave lang din ng soft copy solve na ang problema

Ilan lamang 'yan sa daan-daang dahilan kung bakit tinagurian ang computer bilang best body ng mga busy person tulad ko.
Sa kasalukuyan, kapag wala kang Computer, sinasabing dika in sa makabagong mundo. Ika nga ng iba, ito ang tatak ng makabagong teknolohiya sa makabagong mundo.



Subukang magkaroon ng computer, tiyak gagaan ang buhay mo. Magkaroon ka pa ng Internet Connection, magiging buo na ang araw mo makapupunta ka pa saang lugar mo gusto at makakausap mo pa ang mga kaibigan mo nang hindi gumagastos ng load sa cellphone.










Kulturang Popular

Dota_oh! Ang buhay ko

Natutulog ako parati ng alas tres ng umaga, gumigising naman ako nang alas singko ng umga rin. Wala naman akong sanggol na inaalagaan para magpuyat ng ganun. hindi naman ako call center agent para gumising magdamag. Hindi ko naman siya boyfriend na tumatawag sa’kin buong magdamag kaya’t laging puyat.


Maituturing ko siyang kaibigan, laging takbuhan tuwing nakararamdam ng kalungkutan at pag-iisa. Daig pa niya ang matamis na tsokolate at cake kung makatanggal stress. Humarap lang ako sa kanya, tiyak buong magdamag na’kong ngingiti, hahalakhak, sisigaw, maiinis at minsan patalun-talun pa. Iba talaga ang dating sa akin ni DOTA, sobrang nakaka-adik siya.Para siyang isang concert ng idolo ko, hindi puweding palampasin, hindi puweding daanan.

Kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita o nilalaro. Para siyang gamot na hinahanap-hanap ko kapag ako’y nagkakasakit. Hindi ako buo, kapag wala ang buhay ko, ang DOTA.
Sa gabi, siya ang aking kasa-kasama, sa paggising siya parin ang hinahanap ng parehong mga daliri at mga mata.

Huh! kapag siya’y nagin alkansya? Tiyak, marami na’kong pera. Kahit ano pa siya, basta tanging sa kanya lang ako maligaya. Sa kanya lang ako tumatapang para harapin lahat ng mga kalaban. Nagiging astig ako kapag naglalaro ako ng dota.
Adik man ako para sa paningin ng iba, pilitin man akong ilayo sa kanya hindi parin ako titigil na laruin siya, dahil kapag ginawa ko ‘yun, mamamatay ako dahil siya ang buhay ko.

KULTURANG POPULAR

 

 

 

 

Ano ba ang “ GANGNAM STYLE?”
Saan ito nagmula?
Paano ito sumikat at tinangkilik ng madla?
Ano ang mensahe ng nasabing video?

Ano ba ang “ GANGNAM STYLE?”

Gangnam Style
- isang “K-pop music” na kasalukuyang tinatangkilik ng mga tao.
- naitalaga bilang “most viewed video” sa Guinnes Book of Records dahil sa umabot 900 Million viewers sa loob ng dalawang buwan.
- nakatuon sa mga atraksiyon at prestihiyosong lugar sa Gangnam.

Saan ito nagmula?

Ang Gangnam Style ay hango sa isang lugar na kung tawagin ay Gangnam mismo.
- Ito ay matatagpuan sa bandang katimogan ng Han’s River, Korea.
- Pinakamayaman at maunlad na distrito ng Korea.
- May populasyong umaabot sa 527, 641 at itinuturing na ikaapat sa pinaka “ Populated” na distrito

Paano ito sumikat at tinangkilik ng madla?

- Sinasabing unang lumabas ito sa youtube  noong July 15, 2012
- May 9 Million viewers araw-araw sa loob ng 2 buwan.
Ayon sa Wall Street Journal, si T’Pain ng Hollywood ang isa sa naging dahilan ng pagsikat ng “ Gangnam Style” sa bansa ng mga amerikano ng I tweet niya ito noong July 29.
Neetzan Zimmerman- nagkalat sa social networking sites ng  naturang video noong July 30.
” Celebrities who followed”
Robbie Williams
Britney Spears
Katty Perry
Tom Cruise
Joseph Gordon-Levitt
William Gibson
Ito ay nanguna sa iTunes Chart sa 31 na bansa kabilang ang Pilipinas

Top 10 Most Viewed Video

1. GANGNAM STYLE- PSY( 934,303 Million views)
2. BABY- JUSTIN BIEBER ( 803 Million)
3. ON THE FLOOR- JENNIFER LOPEZ( 624 Million)
4. LOVE THE WAY YOU LIE- EMINIM FT. RIHANNA ( 517 Million)
5. PARTY ROCK ANTHEM- LMFAO ( 502 Million)
6. WAKA WAKA – SHAKIRA ( 500 Million views)
7. CHARLIE BIT MY FINGER! ( 497 Million)
8. BAD ROMANCE – LADY GAGA ( no data)
9. AL SE EU TE PEGO- MICHEL TELO ( 460 Million)
10. DON OMAR- DANZA KUDURU ( 406 Million)

Ano ang mensahe ng nasabing Video?

Ang “ Gangnam Style” ay nagpapakita lamang kung gaano ka popular ang Korea saan mang lupalop ng mundo.
Ipinapakita sa video ang angking ganda ng Gangnam bilang maunlad na distrito ng Korea.
Sinasabing ang kanta ay patama sa mga Amerikano dahil sa pagpapalaya sa dalawang amerikanong sundalo na nakapatay ng dalawang 13 anyos na koreana.
-ipinapakita rin sa video ang pagiging materialistic ng mga taga Gangnam at kung anong uri ng pamumuhay meron sila.